CAGAYAN DE ORO CITY – Dead on the spot ang drayber ng cargo elf truck habang patuloy na ginagamot sa hospital ang anim ka mga sugatan na pasahero ng bus sa nangyaring aksidente sa Sayre Highway, Purok 2, North Poblacion, Maramag Bukidnon.

Kinilala ang namatay na si Jojo Adolfo, 35-anyos, residente ng Purok 1, Tugop San Fernando, Bukidnon.

Ayon kay Maramag Municipal Police Station commander PMaj Gil Agpaoa na nangyari ang madugong aksidente nang sinubukan ng drayber ng elf truck na mag-overtake sa isang tricycle sa nasabing lugar.

Ngunit, biglang napahinto ang trak nang makasalubong nito ang paparating na Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) bus na minamaneho ni Jeffrey Antecristo, 46-anyos, taga Purok 4 Libertad, Quezon Bukidnon.

At dahil sa madulas na daan, nawalan ng kontrol ang drayber ng truck at bumangga ito sa bus.

Kabilang sa mga nasugatan sa trahedya ang asawa at dalawang anak ng drayber ng elf truck at anim na pasahero ng bus.