CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaniniwalaang pinatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang dalawang opisyal ng barangay sa may Dominorog, Talakag Bukidnon kaninang umaga.

Pinagbabaril sa gate ng barangay hall ang mga biktima na sina Barangay Kagawad Lorenzo Pedyaan at Barangay Kagawad Mauricio Ginto.

Ayon kay PSSgt Zeus Achas ng Talakag Municipal Police Station na kapwa nagtamo ng mga tama sa kanilang ulo ang mga biktima kung saan dead on the spot si Pedyaan habang dead on arrival sa hospital si Ginto.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at identity ng mga suspek.

Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang Bombo Radyo na hinihingi-an ng P300,000 na pera sa mga armadong grupo ang isa sa mga pinatay.