CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang (2) barangay tanod ng Misamis Oriental matapos masangkot sa madugong aksidente sa may Zone 4, Barangay Bugo nitong lungsod.

Kinilala ang mga namatay na sina Saturnino Taburnal, 60-anyos at Benjamin Lumani, 62-anyos kapwa tanod ng Barangay Casinglot, Tagoloan Misamis Oriental.

Lumabas sa imbestigasyon ng imbestigador ng Puerto Police Station na si PCMsgt Ryan Sevellino na lasing na nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo si Taburnal kung saan backride nito si Lumani.

Gumiwang-giwang ang takbo ng sinasakyang motor ng dalawang biktima kung kaya’t bumangga ito sa nakasalubong na hi-lux pick-up na minamaneho ni Arl Saluaga Rellido, 46-anyos, may asawa, at residente ng Sta Ana, Tagoloan Mis Or.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga, nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang mga biktima na siyang dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.

Detinado ngayon sa bilangguan ang drayber ng hi-lux at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.