CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatawan ng Ombudsman ng tatlong (3) buwan na suspensyon ang dalawang konsehal ng Iligan City dahil sa paglabag ng anti-graft and corrupt practices act.
Ayon kay Iligan City Vice Mayor Jemar Vera Cruz isinilbi ng mga personahe ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspension order laban nila City councilors Providencio Abragan Jr. at Michelle Sweet-Booc.
Sinabi ni Cruz na nag-ugat umano ang suspensyon sa pinasukang kontrobersyal na lease agreement sa pagitan ng city hall at Kiwalan Lumber Co. (Kilumco) noong panahon ni dating Iligan City Mayor Lawrence Cruz.
Ang terminal lease agreement ay unang pinirmahan noong taong 2004 at 2008.
Subalit, muling pumasok sa lease contract ang City Council bago matapos ang termino ni Cruz.
Nauna nang sinabi ni Atty Dexter Sumaoy na conflict of interests ang isinagawa ni Cruz sa kadahilanan na ang Kilumco ay pagmamay-ari ng pamilya nito.
Hindi rin umano sumailalim sa public bidding ang proyekto.