CAGAYAN DE ORO CITY – Bitbit ang caliber-30 M1 Springfield Garand Rifle, sumuko sa militar ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute terrorist group sa Barangay Gacap, Piagapo, Lanao del Sur.

Sumuko sina Farhan Salik alyas Orak at Alimoden Maunada, 38-anyos dalawang linggo matapos ang nangyaring engkwentro ng kanilang grupo at militar sa boundary ng Piagapo at Balindong na ikinamatay ng kanilang kasamahan na si Jarir Usman, 28-anyos.

Kinilala naman ng militar ang tulong nila MILF (Moro Islamic Liberation Front) commander Salic Dimasangkay at Balindong Barangay Dado chairman Usman Amboloto upang mapaseguro ang pagsuko nang dalawa.

Isinailalim ngayon sa custodial debriefing sina Salik at Maunada.