CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang pasahero ng bus habang 1 ang sugatan matapos maaksidente sa Sayre highway, Sitio Bagong Silang Impalutao, Barangay Impasug-ong Bukidnon.

Kinilala ang mga namatay na sina Marisol Marinay, 23-anyos at Mary Joy Bongcales, 20-anyos habang patuloy pang ginagamot sa hospital ang sugatan na si Jemuel Silmaro, 38-anyos.

Sakay ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) ang 34 pasahero nang gumulong ang bus sa gitna ng daan.

Base sa report, nangyari ang aksidente nang mawalan ng balanse ang drayber ng bus na si Leomerde Garcia Velarde dahil sa madulas na daan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente.