CAGAYAN DE ORO CITY – Abot hanggang tenga ang ngiti ng daan-daang mga bata sa ginawang “feeding program” ng mga personnel ng Bombo Radyo Cagayan de Oro ngayong hapon.
Humigit kumulang 200 ka mga bata na nakatira sa landfill area ng Zayas, Barangay Carmen nitong lungsod ang napakain ng masarap na Arroz caldo.
Ginawa ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-28th founding anniversary ng istasyon na itinaguyod noong 1991.
Una nito, sinimulan ang pagdaraos sa pamamagitan ng isang motorcade kaninang umaga na dinaluhan ng mga pulis mula sa Misamis Oriental Provincial Police Office (MOPPO), mga sundalo ng 4th ID Philippine Army, Road and Traffic Administration (RTA), iba’t ibang mga grupo at organisasyon na kinabibilangan ng Rescue 2000, Guardians, mga bikers at mga die-hard supporters/listeners ng Bombo Radyo.
May isinagawang misa din sa loob ng istasyon na pinangungunahan sa 29-anyos na si Fr. Aidan Zavallero, mula sa Lorenzo Ruiz Mission Society.
Sa kaniyang homily, ibinahagi ng pari na biktima ng kritisismo ang kaniyang pamilya ng Bombo Radyo dahil sa kaniyang ama na isang pulis.
Aniya, dahil sa pangyayaring iyon, nabalot ang kaniyang pamilya sa mga pamimintas mula sa kanilang mga kapitbahay at nasuspenso pa sa trabaho ang kaniyang ama sa loob ng tatlong buwan dahilan upang nakaranas ng kahirapan ang kanilang pamilya.
Ngunit, inamin ni Fr. Zavallero na may naggawang pagkakamali ang kaniyang tatay.
Dagdag pa nito na ang mga pangyayaring iyon ang nagtulak sa kaniya na pumasok sa nasabing bokasyon dahil marami siyang napagtanto sa buhay.