CAGAYAN DE ORO CITY- Tatlong ka tao ang sugatan sa pagtama ng buhawi sa sentrong bahagi ng Marawi City kaninang hapon.
Ito ang kinumpirma ni Army Col. Jose Maria Cuerpo II, commander ng 103rd Infantry Brigade, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Col. Cuerpo, linipad ng malakas na hangin ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima, subalit nasa ligtas na silang kalagayan matapos marapatan ng lunas sa Amay Pakpak Hospital.
Sinabi ng opisyal na nawasak rin ang iilang kabahayan at linipad ng malakas na hangin ang bubong ng Marawi City Hall at mga commercial buildings.
May kalsada rin umano na hindi madaanan ng sasakyan dahil sa pagkatumba ng mga malalaking puno ng kahoy.