CAGAYAN DE ORO CITY – Sumuko sa militar ang tatlong terorista kabilang ang isang menor de edad sa may Saguiaran, Lanao del Sur.

Kinilala ang mga sumuko na sina Mail Tinga, 36, Jamil Dimasangcay, 24, at Juhari Mangotara, 16-anyos, pawang residente ng Barangay Pawak sa nasabing lalawigan.

Ayon kay 82IB Commander Lt. Col. Rafman Altre, mga miyembro ng Maute Group sub-leader Imam, Mangotara at Dimasangcay ang mga sumuko kung saan kabilang ang mga ito na nakipagbakbakan sa militar sa Marawi City.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang M79 grenade launcher at dalawang (2) caliber .45 handguns.