CAGAYAN DE ORO CITY – Nauwi sa trahedya ang ginawang pangingisda ng tatlong lalaki na kinabibilangan ng isang menor de edad sa Iponan River nitong lungsod.

Ito’y matapos biglang nalunod ang mga biktima na sina Pablito Relevo Amaranga, 30-anyos; Rodrigo Pabatang, 37-anyos at menor de edad na si Bryan Rama, 9-anyos habang namingwit nang mga hipon sa isang ilog.

Ayon kay Bulua Police Station commander Major Aldrin Baculio, hindi namalayan ng mga biktima na napadpad sila sa parte ng ilog na malakas ang “water current” kung kaya’t nalunod.

Aniya, tanging si Pabatang lang ang marunong lumangoy sa tatlo kung kaya’t ang menor de edad lang ang nailigtas sa pagkalunod at naiwan si Relevo.

Sa ginawang search and rescue operations, natagpuan ng mga rescuers ang katawan ni Relevo at kaagad itong dinala sa hospital.

Ngunit sa kasawiang-palad, idineklara ito ng mga doktor na dead on arrival.