CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Western Mindanao Command (Westmincom) na hinihigpitan ng militar at pulisya ang tatlong lugar ng Mindanao kung saan nangyari ang sunod-sunod na pagsabog.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Westmincom spokesperson Major Arvin Encinas na malaki ang kanilang paniniwala na kagagawan ng mga miyembro ng IS-inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nangyaring pagsabog sa North Cotabato, Maguindanao at Cotabato City.
Ngunit, nilinaw nito na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa tunay na may kagagawan sa nasabing explosion.
Sa ngayon, hiniling ni Encinas ang kooperasyon at tulong ng komunidad upang mapigilan at hindi na mauulit pa ang nasabing pangyayari.
Kung maalala, naging sunod-sunod na ang nangyaring pagsabog matapos ang rekomendasyon na hanggang Disyembre 31 na lang ang martial law sa Mindanao.