CAGAYAN DE ORO CITY – Laking tuwa ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council (PDRRMC) matapos makauwi na ang tatlong (3) mountaineers na unang ni-report na na-missing sa bahagi ng Mt. Balatucan Scout Camp Site, Sitio Civolig, Brgy. Lunotan, Gingoog City.
Kinumpirma mismo ni PDRRMC Executive Director Fernando Sotsot Dy Jr sa Bombo Radyo ang pagkakita nila ni Raine Kassiopeia 12 anyos, Dan Dave del Rosario, 18 anyos at Christian Daryl Tapiru, 28 anyos, pawang mga residente ng Nasipit, Agusan Del Norte.
Ayon kay Dy natagalan na makababa sa Mt. Balatucan ang mga biktima dahil sa 12-anyos na si Raine na natatakot maglakad sa dilim kung kaya’t pahinto-hinto sila sa gitna ng bundok.
Ikinatuwa naman nito na maayos ang pagbabalik ng mga nawawalang personalidad.
Una nito, puspusan ang paghahanap ng PNP, PDRRMO, Philippine Army, search and rescue group ng LGU Gingoog sa nawawalang mga personalidad noong Enero 3.