CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot na sa walo ka mga nasasakdal na napalaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) ang sumuko sa mga awtoridad sa buong Amihang Mindanao.
Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-10 spokesperson LTC Mardi Hortillosa na ang anim na nasasakdal ay nakagawa ng mga nakakasamang krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, rape with robbery, robbery with homicide and rape at arson.
Sa nasabing bilang, 4 nito ang nagmula sa Bukidnon; 1 sa Camiguin; 2 sa Lanao del Norte at 1 sa Iligan City.
Pinakahuling sumuko ang nagmula sa Barangay Tongantogan, Valencia City, Bukidnon na sa Elias Berdin, 61-year-old at konbiktado sa kasong murder and frustrated murder noong August 05, 1993.
Pinalaya siya sa Iwahig Penal Prison and Penal Farm ng Puerto Princesa, Palawan noong July 16.
Una nito, inutosan ni Brigadier General Rafael Santiago Jr., director ng Police Regional Office-Northern Mindanao, ang kanyang mga kumander na subaybayan at arestuhin ang mga nasakdal na pinakawalan sa ilalim ng batas ng GCTA.
Sinabi ni Santiago na ang mga koponan ng tracker ng bawat istasyon ng pulisya ay dapat maging handa upang gawin ang gawain na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Humiling din si Santiago sa publiko na tulungan ang kanilang lokal na pulisya sa pagsubaybay sa pinalaya na mga nasasakdal.