CAGAYAN DE ORO CITY-Kinumpirma ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go na kanya nang naresulba ang bangayan sa pagitan ng PHILHEALTH at Private Hospital Association of the Philipppines o PHAP.
Sinabi ni Sen. Go sa Bombo Radyo, na hindi mangyayari ang banta ng PHAP na hindi na i-renew ang kanilang accreditation sa Philhealth sa susunod na taon.
Ayon sa senador kanyang pinagtagpo ang mga opisyal ng Philhealth at PHAP kung saan inayos ang kanilang alitan lalong-lalo na ang isyo sa umano’y malaking utang ng ahensiya sa mga private hospitals.
Hindi umano papayag ang senador na maapektuhan ang pagbibigay ng Philhealth ng medical services sa taong bayan partikular na sa mga mahihirap.
Nauna rito, nagbanta si PHAP Pres. Rustico Jimenez na hindi na i-renew ang kanilang accreditation sa Philhealth dahil sa malaking utang nito sa mga pribadong ospital na hindi pa nababayaran.