CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang buong halaga ng mga paputok na nakumpiska mula sa magkaibang lugar sa rehiyon-10.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Police Regional Office (PRO)-10 spokesperson Lt Col Mardi Hortillosa na aabot sa 133 ka mga kahon ng Pop-pop fire ang nakumpiska mula sa Ozamis City.
Nasa dalawang (2) paputok na tinatawag na boga naman ang nabawi ng pulisya ng Villanueva Misamis Oriental.
Umabot naman sa limang (5) bundles ng judas belt na 1,000 rounds ang nasamsam ng Opol Municipal Police Station.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga negosyante na nagbebenta ng mga illegal na paputok.
Kung maalala, isang 2-anyos na bata ang nabiktima ng piccolo noong Pasko sa Bukidnon area habang nakarecord ng dalawang kaso ng indescriminate firing ang rehiyon.