CAGAYAN DE ORO CITY – Nanggagalaiti sa galit ang isang mister na dumulog sa tanggapan ng pulisya matapos itong bugbugin at pinahiya ng kaniyang misis na lasing sa may Barangay Pagatpat nitong lungsod.

Itinago lamang ang biktima sa pangalang Junel, 55-anyos, at isang trabahante sa gobyerno.

Batay sa reklamo ng mister, lasing na umuwi ang kaniyang maybahay na si Nenita, 46-anyos at galit na sinumbatan siyang maliit ang ari.

Hindi pa umano nakuntento si misis sa pagpah
iya sa kaniya, pinagbubogbog pa ito kung kaya’t nagtamo siya ng maraming mga pasa sa ulo, batok, balikat at iba pang bahagi ng katawan.

Ngunit sinabi nito na wala siyang balak na magsampa ng kaso laban sa kaniyang misis dahil mahal na mahal pa rin niya ito.