CAGAYAN DE ORO CITY – Walong taong pagsisilbihan ng dating alkalde ng Manolo, Fortich Bukidnon sa loob ng kulungan ang kasong kurapsyon na kinahaharap nito.
Ito’y matapos mapatunayan ni Associate Justice Kevin Narce B. Vivero ng anti-graft court’s Sixth Division na guilty o may kasalanan si Rogelio Narvasa Quino sa ginawa nitong pag-apruba ng pagtaas ng suweldo para sa kanyang kamag-anak nanagtatrabaho sa pamahalaang munisipyo nang walang ligal na batayan.
Maliban sa parusang pagkabilanggo, pinagbawalan na rin si Quiño na humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno habambuhay.
Samantala, dahil sa kawalan ng patunay ng pagsasabwatan, ang kamag-anak ng alkalde na nakinabang sa pagtaas ng sweldo na sina municipal shop foreman Antonio Narvasa Quino at municipal budget officer Cecilia Quino-Rejas ay pinakawalan ng korte