CAGAYAN DE ORO CITY-Kinumpirma sa Bombo Radyo ng mga personahe ng DSWD sa bayan ng Tulunan, North Cotabato ang pagkawasak ng maraming gusali sa nasabing lugar dahil sa pagtama ng magnitude 6.6 na lindol.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Vanessa Padilla ng DSWD-Tulunan na kabilang sa nawasak ang old municipal hall building na nasa Brgy. Poblacion, Brgy. Hall, Daycare center, covered court at elementary school ng Brgy. Daig.
Nawasak rin umano ang Shrine Lapagang, Obrique building sa Brgy. Sidsid habang partially damaged ang SMNC Hospital.
Ayon kay Padilla na nalagay rin sa delikado ang buhay ng aabot sa 930 na pamilya sa mga barangay na tinamaan ng malakas na lindol.
Kinumpirma rin nito sa Bombo Radyo na isa ang namatay sa bayan ng Tulunan habang 15 ang nasugatan.
Kinilala ang nasawi na si Marichel Morla, 23 anyos at isang buntis na taga Davao City. Namatay umano ang biktima matapos matumbahan ng puno ng kahoy sa kasagsagan ng pagtama ng lindol.