CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002, Section 5 at 11 ang dalawang lalaki na nabawian ng kalahating kilo ng shabu sa isang police checkpoint sa Brgy Amoros,El Salvador City,Misamis Oriental kaninang umaga.
Kinilala ang mga suspek na sina Jay Badi na taga- Fair View, Upper Carmen at Nicholson Prais, residente ng Brgy Bayabas nitong lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni El Salvador City Police Station commander Lt Col Randy Anito na napuna ng mga nagbabantay’ng pulis sa checkpoint ang tampered na plate number ng sinasakyang Toyota Avanza ng mga suspek.
Pinara ito ng mga otoridad, hinihingan ng lisensya, OR at CR ng sasakyan.
Ngunit, nang binuksan ng drayber ang compartment ng sasakyan, tumambad ang maraming shabu na nagkakahalaga sa P3 million.
Galing Iligan City ang mga suspek at pinasisinungalingan ng mga ito na sa kanila ang nakuhang mga shabu.