CAGAYAN DE ORO CITY-Umaasa ang may bahay ng namayapang ama ng local government code na mananatiling buhay sa puso’t isipan ng mga pilipino ang mga nagawa nitong kabutihan sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lourdes ‘Bing’ Pimentel, na simulat sapul ay naging transparent ang buhay ni dating Senate Pres. Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. lalong lalo na sa pakikibaka nito na mapanatili ang ating demokrasiya.

Aniya, hindi rin umano matatawaran ang mga nagawa ni Nene para mabigyan protesksiyon ang taong bayan at mapalakas ang sistema ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanyang itinatag na Local Government Code.

Ayon kay Mrs. Pimentel na kahit sumakabilang buhay na si Nene, hindi sana makaligtaan ang ipinamalas nitong kabutihan, katapangan at pagmamahal sa bayan.