CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-ambag ambag ng pera mula sa kanilang bonus ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod para matulongan ang mga nilindol sa North at South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Cagayan de Oro City Councilor Girlie Balaba, chairperson ng committee on social services ng Sangguniang Panglungsod.
Ayon kay Balaba nasa 3,500 na mga kawani ang mag-ambag ambag ng tig-P100.00 kung saan kukunin ito mula sa kanilang matatanggap na bonus ngayong Disyembre.
Ang nasabing halaga ay ipupuno sa P2-million na financial assistance na ibibigay ng City government mula sa 5% ng calamity fund nito.
Subalit sinabi ni Balaba na magdedepende kay City Mayor Oscar Moreno kung cash o relief goods ang ibibigay na tulong sa mga biktima ng Mindanao quakes.