CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng pulisya na mabulok sa bilangguan ang labing-isang suspek na responsable sa pag-ambush patay sa isang police officer at barangay police sa boundary ng Binidayan-Ganassi at Pagayawan,Lanao del Sur.
Sinabi ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Madzghani Mukaraam sa Bombo Radyo na kasong double murder at frustrated murder ang kanilang isampa laban sa 11 ka mga aktibong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Nagbanta si Mukaraam na kanilang ipaghihiganti ang brutal na pagpatay kay Police Executive Master Sargeant Amen Lucman Macalangan at Ramel Pangcatan kung saan tinadtad sila ng mga bala gamit ang M14 at M16 rifles.
Una nang inihayag ni Mukaraam na hahabulin nila sa mga susunod na araw at kung lalaban ay uubusin nila ang mga suspek dahil sa sinapit ng kanyang mga tauhan.
Si Macalangan ay tinamaan sa ulo,dibdib at katawan kasama si Pangcatan habang isa pang pulis na nakaligtas kaya nagsilbing testigo laban sa mga suspek.
Kung maalala, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na mga kaanak ng negosyante na nagpapalusot ng smuggled cigarettes ang pumaslang kay Macalangan at Pangcatan habang pauwi na sa kanilang himpilan sakay ng Mahindra police patrol noong nakaraang gabi.