CAGAYAN DE ORO CITY – Tiwala si Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Madzghani Mukaraam na may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa pananambang-patay ng isang police officer sa boundary ng Binidayan Ganassi at Pagayawan,Lanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mukaraam na naging sunod-sunod ang anti-criminality campaign ng biktimang si Police Executive Senior Master Sgt Amin Lucman Macalanggan.

Aniya, marami ng mga personalidad na nasangkot sa illegal drugs selling at mga nasa likod ng illegal logging sa kaniyang area of responsibility ang nahuli.

Napag-alaman na tinambangan ng hindi kilalang mga salarin habang nakasakay sa Mahindra Police Patrol Car si Macalanggan kasama ang kanyang civilian driver na si Romil Pangcatan.