CAGAYAN DE ORO CITY – Patay sa engkwentro laban sa militar ang commander ng Guerilla Front 68 ng New Peoples Army sa may Halapitan San Fernando Bukidnon.
Sinabi sa Bombo Radyo ni 403rd Brigade, Philippine Army commanding officer Brigadier General Edgardo de Leon na nangyari ang engkwentro matapos makasagupa ng tropa ng 88th Infantry Battalion,Philippine Army ang grupo ni “Kumander Bagwis” sa ginawang clearing operation ng militar.
Napatay sa bakbakan ang lider nang iniwan ito ng kaniyang mga kasamahan.
Nakumpiska naman ng militar sa encounter site ang dalawang (2) automatic rifles na kinabibilangan ng isang (1) M16 at isang (1) AK-47.
Nilinaw ni De Leon na walang namatay o sugatan sa panig ng gobierno sa nangyaring engkwentro.