CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi na nagbigay ng karagdagan pang komento ang pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) may kaugnayan sa kasong isinampa ng pamilya Dormitorio laban sa dalawang dating opisyal ng akademya.
Kasong paglabag sa anti-hazing law at anti-torture act ang isinampa ng pamilya ng hazing victim na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio laban nina resigned PMA Supt Lt Gen Ronnie Evangelista at resigned Commandant of Cadets Brig Gen Bartolome Bacarro.
Sa panayan ng Bombo Radyo, sinabi ni PMA spokesperson Capt. Cheryl Tindog na kanila na lamang ipinaubaya sa korte ang magiging kahinatnan ng kaso.
Aniya, handa rin umano silang makigpagtulungan sa korte para sa matiwasay na pag-usad ng kaso laban sa dalawang heneral.
Hangad din umano ng pamunuan ng akademya na lumabas ang katutuhanan at makamtan ng pamilya Dormitorio ang hinahangad na hustisya.