CAGAYAN DE ORO CITY-Mahigpit na binabantayan ngayon ng pulisiya ang galaw ng mga kasapi ng Kabus Padatuon (KAPA) sa probinsiya ng Bukidnon lalong lalo na sa Valencia City.
Ito’y matapos makatanggap ng report ng PNP na malapit na umanong mag-operate muli ang KAPA gamit ang bagong investment company na tinawag nilang ‘Jenotech’.
Sa panayan ng Bombo Radyo, sinabi ni Valencia City Police Dir. Lt. Col. Surkie Serenias na madalas magpupulong ang mga miyembro ng KAPA sa kanilang lungsod, kung saan kanila umanong pinaghahandaan ang pagbabalik operasyon.
Sinasabing modus ng bagong investment company ng KAPA ang pag-invest sa bitcoin.
Ayon kay Serenias, nagkukumahog ngayon ang grupo na makakuha ng business permit mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang magiging legal ang kanilang operasyon.