CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi umano natatakot ang pamunuan ng PNP Region 10 sa isinusulong ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon ng ipasailalim sa lifestyle check ang mga pulis sa buong bansa.

Alinsunod ito sa eskandalong kinakaharap ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde may kaugnayan sa ninja cops na nasasangkot umano sa pag-recycle ng drugang shabu.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PNP-10 Spokesman Col. Mardy Hortillosa na wala silang dapat na ikatakot dahil walang mga ninja cops sa rehiyon.

Wala rin umanong mga opisyal ng PNP-10 na nasasangkot sa mga katiwali-an lalong lalo na sa pag-recycle sa mga illegal drugs na makokompiska sa anti-drugs operations.

Muling iginiit ng opisyal na hindi sila apektado sa isyo ng ninja cops na inuugnay kay Gen. Albayalde.