CAGAYAN DE ORO CITY – Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa naglipanang online investment scheme na Easy Play.
Ang nasabing scheme ang pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang Jenica Sarah Reganit kung saan nag-alok ito ng ‘compensation plans’ gamit ang Paid-To-Click (PTC) Program.
Sa ipinalabas na advisory ng ahensiya, kinakailangan ng Easy Play’s investment scheme user na manood ng advertisement or videos upang kumita sa pamamagitan ng electronic dashboard na ibinigay.
Sinabi ng SEC na dapat malaman ng publiko na ang ilang mga kumpanya na may mga programa ng PTC ay maaaring mga scam gamit ang mga scheme ng Ponzi kung saan ang pera mula sa mga bagong mamumuhunan ay ginagamit upang magbayad ng pekeng ‘kita’ sa mga naunang mamumuhunan.
Inihayag nito na hindi rehistrado ang Easy Play bilang korporasyon o partnership at hindi otorisado na mag-alok, mag-solicit,magbenta at mag-distribute ng kahit anong investment/securities sa publiko.