CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi isinantabi ng pulisiya ang posibilidad na ‘rido’ ang motibo sa pagpaslang sa isang sundalo sa Yakal-Lirio Street, Brgy. Carmen dito sa lungsod kaninang madaling araw.
Kinilala ni Police Major Jelesis Teves, hepe ng Carmen Police Station, ang biktima na si Corporal Tony Hapas Y Muhudali, legal age, may asawa, taga Marteres St. Jolo, Sulu at miyembro ng 4th ID, Philippine Army.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Maj. Teves, nakita na lamang ang biktima na dugu-an at nakahandusay sa gilid ng daan.
Agad itong dinala ng Oro Rescue Group sa bahay pagamutan ngunit ideneklara ng mga doktor na ‘dead on arrival’.
Nagtamo ang biktima ng dalawang saksak sa kanyang le-eg at dibdib na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nagpaalam umano sa kanyang opisyal si Corporal Hapas upang bisitahin ang kanyang anak, ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang headquarter.
Nakuha mula posisyon ng sundalo ang isang 9mm GLOCK pistol na may tatlong magazine na puno ng mga bala, black sling bag at XRM motorcycle.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang suspek sa nasabing kremin.