CAGAYAN DE ORO CITY – Inaalerto ng Securities and Exchange Commission o SEC ang publiko laban sa bagong investment scam na nagkalat ngayon sa iba’t ibang dako ng bansa.

Pinayuhan ng ahensiya ang mga tao na mag-ingat sa pag-invest sa Brix Gamefowl Breeding, Brix Ventures Incorporated, o AB Eugenio Trading.

Natuklasan ng SEC ang pamamaraan nito kung saan kinakailangang bumili ng dalawang (2) Texas chicken na nagkakahalaga ng P998.00 ang bawat miyembro.

Ipinapangako naman ng grupo na pagkatapos ng 90 days, ang P998.00 ay maging P3,000.00.

Nilinaw ng ahensiya na nakarehistro ito sa kanilang komisyon ngunit hindi nila ito pinapayagang mag-alok, mag-solicit, magbenta at mag-distribute ng kahit anong investment/securities sa publiko.