CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala si Cagay-anon Sen Aquilino “Koko” Pimentel III na may sapat na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Pimentel na maaaring kanselahin ng pamahalaan ang tratado kapag hindi na ito makapagbigay benepisyo sa bansa.
Inihayag din ng senador na may kapangyarihan si Duterte na hindi papasukin sa Pilipinas ang iilang US senators na nagsulong sa resolusyon na napaloob sa US budget na nag-ban sa mga opisyal ng bansa na nagpakulong kay Sen Leila de Lima.
Aniya, kahit may hinahawakan na dokumento o visa ang isang indibidwal, hindi pa rin ito makapasok sa isang bansa tulad ng Pilipinas alinsunod sa ipinatupad na sovereign law.