CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaalerto ngayon ang multisectoral task force nang Department of Agriculture (DA) sa pagseguro na hindi makapasok ang African Swine Fever (ASF) sa buong rehiyon-10.
Ito’y matapos ibinunyag ni Agriculture Secretary William Dar na may mga baboy sa piggeries ang nagpositibo sa ASF.
Ayon kay DA-10 regulatory division chief Juliet Araos, mahigpit na minomonitor ngayon ng Regulatory Law Enforcement Council (RLEC) na kinabibilangan nga Bureau of Animal Industry, health department, National Police, local governments, at iba pang ahensiya ang galaw ng mga imported meats sa mga pantalan at paliparan.
Sinabi ni Araos na kahit na ang ASF ay hindi man makahawa sa mga tao subalit ang nahawaang baboy ay hindi angkop sa pagkonsumo.
Napag-alaman na ang Northern Mindanao ang siyang pangatlo sa pinakamataas na hog produksyon mula Enero hanggang Marso, na may 50.26 libong metric tons.