CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagbabaril hanggang mamatay sa harapan ng kaniyang 9-anyos na anak ang isang tribal leader sa may Barangay Canangaan, Cabanglasan, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si Datu Sammy Diwangan, 45-anyos, Indigenous Peoples Mandatory Representative ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni 8th Infantry Battalion commanding officer Lt. Colonel Ronald Illana na matagal nang pinagpaplanohang patayin si Diwangan ng mga rebeldeng NPA base sa rebelasyon ng ilang mga rebel returnees.
Aniya, kinasusuklaman ng mga armadong grupo sa pagpanguna ni alyas Alab si Diwangan dahil pinipigilan nito ang kanilang recruitment at extortion activities.
Si Diwangan ang pinatay ng apat ka mga miyembro ng rebeldeng NPA habang nagtatatrabaho sa kaniyang sakahan sa Bukidnon.