CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi inalis ng pulisya ang posibilidad na kagagawan ng dating kasamahan ang pagpatay sa rebel returnee sa Brgy Bisegan nitong lungsod.

Sinabi ni Lumbia Police Station Commander Major Aldren Baculio na dalawang grupo na nasa 30 katao ang tumira sa biktima na si Cydor Balanse Samparo, 24, binata at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Major Baculio may mga tao na silang nakatakdang sasampahan ng kaso ngunit tumanggi na itong isiwalat sa publiko habang nagpapatuloy pa ang kanilang pangangalap ng ebidensya.