CAGAYAN DE ORO CITY-Naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nahawa ng COVID-19, 24 oras mula ng isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong lungsod ng Cagayan de Oro.
Base sa ika 372 na COVID-19 press briefing, umabot sa 158 na mga tao ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus sa lungsod.
Sinabi ni City Health Office epediomologist Dr Joselito Retuya, sa naturang bilang, 87 nito ang local index habang 48 naman ang local with link cases.
Dahil dito, pumalo na sa 7,373 ang kabuuang COVID-19 positive sa lungsod, 5,715 ang nakarekober habang 331 naman ang binawian ng buhay.