CAGAYAN DE ORO CITY – “Hindi kami kalaban ng gobyerno!”, Ito ang Idineklara ni United People’s Initiative President Brig. Gen. Atty. Virgilio Garcia sa gitna ng tumitinding tensyon kaugnay ng 13 dating marino.
Nanawagan siya sa publiko na makiisa sa kanilang mga rally upang iparating sa pamahalaan na marami na ang hindi nasisiyahan sa kasalukuyang kalagayan.
Binigyang-diin ni Garcia na dapat kumilos nang maayos ang gobyerno upang matiyak ang mapayapang halalan sa 2028 para sa bagong liderato.
Dagdag pa niya, maging ang mga kapatid na Muslim mula sa MILF at MNLF ay nagpahayag na ng suporta sa kanilang panawagan para sa katarungan.











