Binigyang-diin ng Professional Regulatory Board of Criminology ang mas malalim na pagtukoy sa mga responsable sa tumitinding insidente ng school shooting at karahasan sa bansa upang maiwasan ang pag-ulit ng mga ito.


Ayon kay Chairman Atty. Ramil Gabao, hindi lamang ito usapin ng kung ano ang dapat gawin kundi dapat ding matukoy kung “sino ang gumawa, ano ang dahilan, at sino ang responsable” sa mga krimen.


Ipinunto ng opisyal na ang mga criminologist ay may espesyal na kaalaman sa pag-aaral ng krimen, kriminal na asal, at mga biktima na maaaring magamit sa pagpigil sa school violence.


Idinagdag pa ni Gabao ang mas malaking papel ng criminology sa paggawa ng mga polisiya at preventive measures para sa seguridad ng mga paaralan.