CAGAYAN DE ORO CITY-Napatay ang isang robbery suspect sa isinagawang drug buy-bust operation Sitio Laga, Mapatao, Lala, Lanao del Norte.

Kinilala ang napatay na si Joel Abarquez, 32, may live-in partner at residente sa Purok 1, Brgy Rebe sa naturang bayan.

Sinabi ni Lala Municipal Police Station Commander Major Jonan Bañas, bukod sa pagiging suspek ni Abarquez sa paghoholdap, ay kabilang din ito sa drug watchlists.

Ayon kay Major Bañas nang isinagawa ang bilihan ng droga ay nakamalay umano ang target na pulis ang kanyang ka transaksyon kaya biglang bumunot ng kanyang 38 revolver at nagpaputok ngunit agad nakaganti ang mga operatiba.

Naisugod pa sa ospital ang suspek ngunit binawian din ito ng buhay.