CAGAYAN DE ORO CITY – Nalungkot ang ilang huwes nang pumutok ang balita na tinanggal ng Korte Suprema si Regional Trial Court (RTC) Branch 20 Presiding Judge Bonifacio Macabaya na nakabase sa Cagayan de Oro City.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni RTC Branch 25 Presiding Judge Arthur Abudiente na ikinagulat nila ang sinapit ni Macabaya kaugnay inilabas na desisyon ng korte suprema.
Inihayag ni Abudiente na bagamat hindi pa nito nakita ang report ukol sa SC en banc decision subalit ipinaubaya na niya kay Macabaya ang magiging sunod na hakbang nito ukol sa kinaharap na legal challenge.
Dagdag ng huwes na isang mabait at pokus sa trabaho ang pagka-kilala niya kay Macabaya kaya kabilang ito sa nagulat nang malaman ang balita.
Pinatawan ng SC ng dismissal si Macabaya dahil umano nanghihiram ng malaking halaga ng pera mula sa kanyang litigants kung saan hayagang paglabag sa paragraph 7,Section 8,Rule 140 ng Rules of Court at New Code of Judicial Conduct.
Sa inilabas na en banc decision ng Korte Suprema,kinatigan nito ang reklamo nina Leonaria Neri,mag-asawang Abeto Jr at Jocelyn Salcedo,Evangeline Camposano at Hugo Amorillo Jr na unang nag-akusa na hinaraman sila ni Macabaya ng malaking halaga ng pera sa labas ng kanyang courtroom.
Kaugnay nito,forfeited na rin ang retirement benefits ng huwes habang inutusan na hindi na makahawak pa ng anumang goverment position.
Una rito,pinabulaanan naman ni Macabaya ang akusasyon ng mga reklamante at iginiit na sinisiraan lamang ito ng Office of the Court Administrator (OCA) at ibang kasama nitong mga huwes.
Pinaalalahan rin ng Korte Suprema ang lahat ng mga huwes na magkaroon ng highest standards of judicial conduct and public accountability upang hindi masira ang kredibilidad at imahe ng hudikaruta sa bansa.