CAGAYAN DE ORO CITY –Hinamon sa kontrobersyal na si Atty Jude Sabio ang kampo ng oposisyon na nagtangka ididiin si Presidente Rodrigo Duterte na patunayan at magharap ng matibay na mga ebedensiya na totoo ang mga laman ng videos na unang ipinakalat ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.
Ito ay para hindi itutuloy ni Sabio ang pag-urong bilang abogado at patuloy na sasamahan sina dating Senator Antonio Trillanes IV,former Magdalo partylist Rep Gary Alejano at ibang taga-Liberal Party na usigin si Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa usaping extra judicial killings sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Sabio na kung hindi mapapatunayan ng oposisyon na totoo ang pinagsasabi ni Advincula sa Bikoy videos laban kay Duterte sa pamilya nito,dapat mismo na sila si Trillanes at kasamahan ang kusa na mag-withdraw ng reklamo sa ICC.
Inihayag ni Sabio na isa sa pinakamabigat na dahilan ng kanyang pag-atras na ituloy pa ang reklamo ay dahil walang ebedensiya subalit paninira lamang ang ginawa na videos laban sa anti-drugs war campaign ng Duterte administration.
Samantala,tinawag naman ni Alejano na ‘lame excuse’ ang pagtukoy ni Sabio ukol sa ipinalabas na Bikoy videos na nagsasabi kung sino ang umano’y nasa totoohang narcolist sa bansa.
Inihayag ng dating mambabatas na hindi totoo na nagmula sa kampo ng oposisyon ang ipinalutang na Bikoy videos at inaakusaha na mani-obra ng mga kalaban ni Duterte.
Iginiit ni Alejano na kung nais ni Sabio na maimbestigahan ang kontrobersyal na mga video ay dapat mismo ang mga otoridad ang magta-trabaho nito at hindi ang panig ng oposisyon.