CAGAYAN DE ORO CITY-Nanindigan si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na hindi muna papayagan ang sabong sa lungsod.

Itoy kahit pumapayag na ang Inter Agency Task Force sa pagbabalik operasyon ng sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa bansa.

Ayon kay Mayor Moreno para umanong nanghihikayat sa virus kung papayagan ang sabong.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 1,618 ang tinamaan ng coronavirus sa Siyudad habang 70 ang namatay.