Hindi na lamang basta pagbaluktot sa batas kundi direktang pagwasak sa saligang batas ang ginagawa ngayon ng gobyerno laban kay Senator Bato Dela Rosa at sa pamilyang Duterte.
Ito ang ipinahayag ni UPI Secretary General Capt. Rey Valeros Jr. kung saan itinuro niya na ginagamit lamang ng administrasyon ang isyu ng senador upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga anomalya sa badyet ng bansa.
Iginiit ng opisyal na ilegal ang panggigipit at pag-aalok ng 50-million pesos na gantimpala para sa pag-aresto sa senador dahil walang inilalabas na warrant of arrest mula sa lokal na korte ng Pilipinas.
Nagbabala rin ang grupo na hindi basta-bastang susuko si Dela Rosa dahil alam nitong diretso siyang ituturn-over sa internasyonal na tribunal sa The Hague.











