CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang Commission on Human Rights o CHR-10 hinggil sa nangyaring pag-ambush ng mga rebelde New Peoples Army (NPA) sa tatlong sundalo noong Pebrero 1 sa Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay CHR legal officer Atty Roshelle Dagaraga-Bugas kokolektahin nila ang lahat ng makukuhang ebidensya at gagamiting batayan sa kanilang magiging aksyon laban sa mga rebelde.
Hangad ng komisyon na mabigyang hustisya ang mga naging biktima.
Una rito, umabot pa sa mahigit 70 ang bilang ng mga bala at saksak sa katawan ang natamo ng tatlong sundalong na naka-destino mula 8th IB Phil Army.
Napag-alaman na mismo ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa CHR na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring pananambang ng NPA sa mga sundalo sa Bukidnon.