CAGAYAN DE ORO CITY-Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang Social Amelioration Program (SAP) beneficiary matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation sa Zone 5, Camansi, Brgy Iponan nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si Jay Abella, 38, binata at nakatira sa Zone 2 sa nasabing Barangay.

Sinabi ni Cogon Police Station commander Capt. Ernesto Sanchez na maliban sa nabili nilang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, nakuha rin sa posisyon ng suspek ang karagdagang droga na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P48,000.