Tiniyak ng National Food Authority Region 10 na walang dapat ipangamba ang publiko sa suplay ng bigas sa gitna ng nararanasang banta ng Super El Niño.
Nagpahayag sa Bombo Radyo si Regional Director Miguel Teczon na pinabilis at nakatutok na ngayon ang kanilang tanggapan sa pagbili ng mga palay sa iba’t ibang dapit ng Bukidnon, Misamis Occidental, at Lanao del Norte.
Ipinaliwanag ng opisyal na nanatiling matatag ang pondo at buffer stock ng bigas sa buong rehiyon dahil sa magandang ani ng mga lokal na magsasaka.
Dahil dito, nagpapatuloy rin ang araw-araw na pagbebenta ng murang bigas sa mga opisyal na outlet ng pamahalaan upang matulungan ang taumbayan.











