CAGAYAN DE ORO CITY – Kanselado na simula ngayong araw ang pasok ng lahat ng levels ng mga pribado at pampublikong paaralan ng lungsod.
Ito’y may kaugnayan sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay City administrator Teddy Sabugaa nagpalabas ng direktiba si City Mayor Oscar Moreno na nagkansela sa klase ng mga estudyante sa day care centers, elementary, junior/senior high schools, college/post graduate at mga technical vocational schools.
Samantala, nagkansela naman ng klase ang 14 ka munisipyo sa buong rehiyon na kinabibilangan ng Naawan, Villanueva, Lagonglong, Jasaan, Balingasag, Initao, Salay, Lugait, Claveria, Laguindingan, Manticao, Opol, Tagoloan at Binuangan dahil na rin sa banta ng virus.
Una nito, pumanaw na ang 54-anyos na pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 habang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) dito sa lungsod.