
Kailangan timbangin ng mga administrador ng paaralan ang benepisyo at posibleng pinsala ng pagsasagawa ng shooting drills, lalo na sa mga batang mag-aaral, ayon sa Professional Regulatory Board of Criminology.
Ayon kay Dr. Warren Corpuz, nakatutulong ang mga drills sa paghahanda, ngunit maaari rin itong magdulot ng trauma sa mga estudyante at guro dahil sa pagharap sa imahe ng posibleng trahedya.
Dahil dito, inirekomenda ang konsultasyon sa mga psychologist, psychiatrist, criminologist, at mga eksperto sa batas at pampublikong kaligtasan.
Binanggit ng opisyal na sa pamamagitan ng konsultasyon, mas matutukoy kung ang mga drills ay angkop sa kabataan o magdudulot lamang ng mas malaking pangamba at trauma sa mga kalahok.










