CAGAYAN DE ORO CITY-Nakatakdang sampahan ng kasong murder matapos mahuli ang head guard na bumaril-patay sa kanyang kasamang gwardya at kamag-anak sa Purok 4 Lambo-lambo Palacapao, Quezon Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Karem Bayawon, nasa hustong gulang, head guard sa Nailga NASA Force Security Agency habang ang biktima naman ay si Armando Alejan, 46-anyos na parehong residente sa Purok 6 Brgy Bangcod, Malaybalay City sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Quezon Municipal Police Station Commander Major Mitchell Clemencio na nag iinuman ang dalawa ngunit biglang nagkainitan at nagresulta sa madugong krimen.

Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay.