CAGAYAN DE ORO CITY – Winakasan ng isang security guard ang kanyang sariling buhay matapos umanong mabigo sa pag-ibig sa Zone 6, Nasalaban, Sta. Ana, Tagoloan, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Nino Cabatuan Codiman, 22, na residente sa Zone 5 Bontong sa naturang bayan.

Sinabi ni Tagoloan Municipal Police Station Commander Lt. Ramil Langala na uminom ng chlorine ang nasabing biktima matapos umanong mabigo sa kanyang buhay pag-ibig.

Agad pang naisugod sa ospital ang biktima ngunit kinalaunan ay namatay rin ito.