CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng pulisya at ibang force multipliers ang sapat na seguridad para sa isang linggong religious events ng Roman Catholic Church leaders sa bahagi ng Northern Mindanao region.
Kaugnay ito sa limang araw na retreat ng mga arsobispo na sakop ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kasalukuyang ginawa sa Transfiguracion Abbey na nakabase sa syudad ng Malaybalay,Bukidnon.
Sinabi ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na bagamat walang natanggap na seryosong mga pagbabanta-seguridad ang government forces subalit naglatag sila ng mahigpit na seguridad para sa CBCP events na pinakauna sa kasaysayan ng Mindanao.
Inihayag ni Navarro na bago pa man nakarating ang mga arsobispo sa bisinidad ng rehiyon ay naka-sanitized na ang lahat ang mga lokasyon na maaring puntahan ng delegasyon.
Bagamat limitado ang mga galaw ng CBCP officials dahil retreat ang inaatupag nila subalit mayroong puwersa rin na nakalatag para sa pagdating ni
ng Secretary of States ng Vatican na si Archbishop Paul Gallugher at Papal Nuncio of the Philippines Archbishop Charles John Brown pagdating ng Hulyo 3.
Pagdating ng petsa 5 ng buwan ay makatuon na ang pokus ng security plan operation sa buong Cagayan de Oro dahil sa ika-128 plenary assembly ng CBCP at ilang pagsagawa ng mga misa sa magkaibang simbahan.
Magugunitang maliban sa aktibidad ng CBCP sa Bukidnon at nitong syudad, pupunta rin ang top officials ng simbahang Katoliko sa Divine Mercy Shrine ng El Salvador City,Misamis Oriental.